^

Metro

Brgy. kagawad patay sa ambush ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng   mga naka-motorsiklong sa­larin, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Tala General Hospital ang biktimang nakilalang si Garry Moralla, 26, kagawad ng Brgy. 181 sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan habang sugatan naman sa tama ng bala sa kamay ang misis nitong si Jonalyn.

Sa ulat ng Caloocan Police, galing sa barangay hall matapos na mag-duty si Moralla at naglalakad na sa may Gemini St. pauwi sa bahay kasama ang misis dakong alas-10 ng gabi nang harangin ng dalawang salarin na magka­angkas sa isang motorsiklo.

Agad na pinaulanan ng bala ng mga suspect si Moralla saka mabilis na tumakas tungo sa hindi mabatid na direksyon.

Blangko naman ang mga awtoridad sa pagka­kakilanlan sa mga salarin at sa motibo sa krimen.

Matatandaan na nitong nakaraang Lunes ay pinagbabaril din ang hepe ng Department of Public Safety and Traffic Management Unit-North sa gilid ng kanyang bahay habang ilang barangay chairman at kagawad na rin ang napapaslang sa lungsod.

vuukle comment

BLANGKO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT UNIT-NORTH

GARRY MORALLA

GEMINI ST.

MORALLA

TALA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with