^

Metro

Inatake ng kapitbahay: Ama utas, anak sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 55-anyos na ama habang sugatan ang kaniyang 19-anyos na anak nang   atakehin ng saksak ng isang kapitbahay na  may dipirensiya sa pag-iisip sa harap ng kanilang bahay  sa Tondo, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center  (JRMMC) ang biktimang si Ricardo Raon, alyas Ric,  pedicab driver, ng  Int. 8 Inocencio St., Tondo, Manila  subalit agad ring binawian ng buhay bandang alas-10:00 ng gabi bunga ng 5 saksak sa katawan.

Nilalapatan pa ng lunas sa Tondo General Hospital ang anak nitong si Ronnel Raon, dahil sa 2 saksak na tinamo nito sa kaliwang bahagi ng leeg.

Naglaho na umano ang suspek na si Billy de Guzman, 32, binata.  residente rin ng lugar matapos ang ginawang pananaksak.

Sa ulat ni SPO1  Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -9:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Hindi na nagawang dumepensa umano ng mga biktima nang walang sabi-sabing atakehin sila ng suspek ng saksak habang nakaupo lamang sa harapan ng kanilang bahay.

Matapos ang pananaksak ay tumakbo papalayo ang suspek bitbit ang patalim na ginamit.

 

GUZMAN

INOCENCIO ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MATAPOS

RICARDO RAON

RICHARD ESCARLAN

RONNEL RAON

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with