Bading timbog sa pandurukot
MANILA, Philippines - Naaresto ng Manila Police District-Plaza Miranda PCP ang isang kilabot na mandurukot na gumagala sa Quiapo, Maynila.
Ayon kay Plaza Miranda PCP chief, Insp. Rommel Anicete, agad na nadakip ang suspek na si Rajad Sharief, 24 ng Gunaw, Quiapo, Maynila matapos itong makilala sa CCTV.
Batay sa imbestigasyon, dakong ala-1:30 ng hapon ng Abril 30 nang namimili sa City Plaza Shop Mall sa Plaza Miranda ang biktimang si Kiara Aubrey Reyes, 17 ng Sta. Maria, Bulacan.
Nakasuot ng headset ang biktima nang mapansin nitong wala ng tunog kung kaya’t nagulat ito nang wala na rin ang kanyang cellphone.
Mabilis na humingi ng tulong si Reyes kay PO3 Joseph Almayda na nagpapatrol kaya’t agad na tinignan sa CCTV at nakilala si Sharief.
Kinasuhan na rin sa pisÂkalya si ShaÂrief.
- Latest


















