^

Metro

Erap binigyan ng resolution-of-honor

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang matagumpay na pakikipag-usap sa pa­ma­halaan ng Hong Kong bunsod na rin ng nangyaring hostage taking noong 2010 sa Luneta, binigyan ng konseho ng Maynila ng resolution-of-honor si Manila Mayor Joseph Estrada.

Pinatawad na ng Hongkong officials ang Pilipinas kasabay ng pagbibigay ng compensation.

Pinangunahan nina Vice Mayor Isko Moreno at 4th District Councilor DJ Bagatsing ang pagbibigay ng plaque bilang pasasalamat sa pamumuno ni Estrada sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Moreno, kinilala ng Ninth City Council ang hindi matatawaran ang mga nagawa ngayon ni Estrada para sa mga Manilenyo.

Paliwanag ni Moreno, unti-unti nang naiaangat ni Estrada­ ang  Maynila  para sa  maayos na pagbabago.

Aniya, kailangan lamang ng city government ng  pang-unawa at koordinasyon ng publiko upang mas maging matagumpay ang kanilang mga proyekto at programa kung saan mas makikinabang ang nakararaming mahi­hirap­.

 

ANIYA

AYON

DISTRICT COUNCILOR

HONG KONG

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MORENO

NINTH CITY COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with