Vendor binoga sa ulo
MANILA, Philippines - Patay ang 18-anyos na vendor nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang salarin sa Quiapo, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Jimmy Rodriguez, ng Fraternal St. Quiapo, Maynila dahil sa tinamong bala sa ulo.
Sa inisyal na ulat ni PO3 Joseph Kabigting ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa panulukan ng Arlegui at De Alba sts., Quiapo.
Naghahanda ng umuwi ang biktima mula sa magÂhapong pagtitinda nang baÂrilin ito ng hindi pa kilalang lalaking armado ng di pa batid na kalibre ng baril.
Inaalam pa ang pagkiÂlanlan ng suspek at motibo sa krimen.
Dinala ang bangkay sa Nathan Funeral para sa awtopsiya.
- Latest



















