Trader hulog sa exit ng condo
MANILA, Philippines - Sa pagnanais na maÂtakasan ang mga pulis na kakausap sa kanya dahil sa reklamong pananakit, isang negosyante ang naÂmatay makaraang aksidenteng mahulog sa fire exit ng kanyang tinutuluÂyang condominium sa QueÂzon City.
Kinilala ni PO2 Julius Balbuena, ang biktima na si Edwin Pichay, 50, may-asawa ng Future Plaza II Condominium, no. 115 Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City.
Ayon kay Balbuena, si Pichay ay natagpuan na lamang ng mga operatiba ng Police Station 10 at nagÂrereklamong si Honnecel Pangusan habang walang buhay na nakaÂhandusay sa may semento malapit sa kanyang tinuÂtuluyan.
Bago ito, nagreklamo si Pangusan, sa PS-10 hingil sa umano’y panaÂnakit ng biktima sa kanya dahilan para umaksyon ang mga pulis na sina PO2 Ladgerio Camacam, PO1 Michael Formento, at Julius Dela Cruz at magÂtungo sa bahay nito.
Habang kinakatok ng mga otoridad ang pinto ng bahay ni Pichay para sa isasagawang pagsisiyasat kaugnay sa reklamo ni Pangusan, nakarinig na lamang umano ang mga ito ng malakas na kalabog mula sa loob ng kuwarto ng biktima.
Sa puntong ito, nagpasya ang security guard ng condo at mga otoridad na tignan ang exit ng gusali kung saan nila nakita ang biktima na walang buhay na nakahandusay.
Posible umanong tatakasan ng suspek ang mga pulis kaya’t nagdaan ito sa fire escape at nahulog.
Nakuha naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang mga ebidensyang tulad ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, dalawang cellphone, isang laptop at cash na P6,000.
Lumabas din sa ginaÂwang examination sa bangÂkay ng biktima na nagtamo ito ng matinding injury sa ulo at pagkabali sa kaliwang braso.
Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.
- Latest