^

Metro

Salvage victim natagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinapon sa may kanal ang bangkay ng hindi pa nakikila­lang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan sa biktima na nasa pagitan ng edad 30-35 anyos, nakasuot ng itim na t-shirt, at cargo short pants.

Sa ulat ng Malabon Police, isang puting AUV taxi (asian utility vehicle) ang sumulpot sa may Guava Road, Brgy. Po­trero dakong ala-1:15 ng mada­ling araw at nakita ng mga residente na may itinapon sa kanal saka humarurot paalis.

Bigo naman ang mga saksi na makuha ang plaka ng sasakyan dahil sa madilim sa lugar.

Agad na itinawag ng mga residente ang insidente sa pulisya. Nang respondehan ang lugar, nadiskubre ang naturang bangkay na nakabalot ng duct tape ang mukha, nakagapos ang mga kamay at paa at may tama ng bala sa kanang tenga na tumagos sa noo.

vuukle comment

BIGO

BRGY

GUAVA ROAD

ITINAPON

MALABON CITY

MALABON POLICE

NANG

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with