^

Metro

2 nag-suicide sa Tondo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa katao kabilang  ang  isang negosyante ang nagbaril sa sarili dahil sa matinding depresyon sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila. Tama ng bala ng  38 caliber revolver sa sentido ang  ikinamatay ni  Bernardo Sebastian, 62, dakong  alas-7:30 ng gabi sa loob ng bahay nito sa Antonio Rivera St. sa Tondo.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Richard Escarlan, may ilang buwan nang nakaratay sa higaan si Sebastian dahil na rin sa komplikasyon ng mga sakit. Posible umanong tinawag nito ang  kanyang guwardiya na si Benjamin Cantong at hini­ram ang baril matapos na makita ito sa  tabi ng labi ng biktima.

Ayon naman kay  Cynthia Dizon, 52, nag-aalaga sa biktima, isang putok na nanggaling sa silid ni Sebastian ang kanyang narinig kung kaya’t  agad niya itong ipinaalam  kay  Susan Manicad na umano’y live-in partner ng nasawi. 

Samantala, pagbaril din sa sarili ang ikinamatay ng construction worker na si  Mark Roland Soriano, 25, ng Lallana St. sa Tondo. Lumilitaw sa  imbestigasyon  na naging malulungkutin umano si Soriano, simula nang ito’y  lumabas sa rehabilitation center may limang taon na umano ang nakararaan.

Nagulat na  lamang si Angelina, 42, ina ng biktima nang makita ang anak na may tama ng bala sa sentido, habang nakaupo ito hawak ang kalibre 38 baril. Gayunman, kapwa isinailalim sa paraffin test ang dalawang biktima para malaman kung may naganap na foul play.

vuukle comment

ANTONIO RIVERA ST.

BENJAMIN CANTONG

BERNARDO SEBASTIAN

CYNTHIA DIZON

LALLANA ST.

MARK ROLAND SORIANO

RICHARD ESCARLAN

SEBASTIAN

SUSAN MANICAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with