^

Metro

Presyo ng petrolyo, muling sumirit

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikatlong sunod na linggo muling nagtaas ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis kahapon.

Base sa advisory ng Petron Corporation, Pilipinas Shell at Total Philippines, nabatid na  kamakalawa ng gabi, nagpatupad ng  30 sentimos pagtaas  sa kada litro   ng diesel ang  20 sentimos naman ang itinaas sa kada litro ng unleaded at premium gasoline.

Ayon kina Raffy Ledesma, Strategic Communicaitions Manager ng Petron, Ina Soriano ng Pilipinas Shell at Iris Reyes ng Total Philippines, ang panibagong pagtataas ay bunsod na patuloy na paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Bukod sa mga dambuhalang kompanya, nagpatupad din ng kahalintulad na pagtataas sa halaga ng kanilang mga produkto ang Ptt, Phoenix Petroleum, Seaoil at Unioil na epektibo ng Martes ng tanghali.

Magugunita na huling nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kompanya ng langis noong Abril 8 at mula noon ay tatlong sunod na linggo ang pagtataas na kanilang isinagawa.

Sa ngayon, iniulat ng Department of Energy (DOE) na pumapalo na P42.85 hanggang P46.25 ang halaga ng diesel, habang nasa P50.90 hanggang P57.10 naman ang halaga ng gasoline sa buong bansa.

Noon lamang nakaraang linggo, nagpahayag ang DOE na ang umiinit na tensiyon sa pagitan ng bansang Ukraine at Russia ay magbubunsod ng muling pagsirit sa lokal na presyo ng mga produktong petrolyo.

ABRIL

DEPARTMENT OF ENERGY

INA SORIANO

IRIS REYES

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

STRATEGIC COMMUNICAITIONS MANAGER

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with