^

Metro

3 patay sa Malate fire

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang kumpirmadong patay sa sunog na naganap kahapon ng hapon sa  Malate, Manila.

Ito ang napag-alaman kay FO2 Lords Hernandez ng Manila Fire District ng Bureau of Fire Protection  na umano’y pawang na- suffocate sa naturang sunog sa Joerge Bocobo St., sa Malate.

Kinilala ang mga nasawing sina Margarita Villar, 62; ang asawang si Edgardo Villar, 61, at anak na si Merwin Villar, 42, na  residente ng 1209 Jeorge Bocobo St., sa Malate.

Batay sa report ng Arson Division ng Bureau of Fire,. ang mag-amang sina Edgardo at Merwin ay isinugod sa PGH at magkasunod na idineklarang patay.

Samantalang sa Ospital ng Maynila, naisugod si Margarita, subalit hindi na rin  ito naisalba ng mga manggagamot.

Acute respiratory failure secondary to smoke inha­lation ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.
Nabatid sa report ni FO2 Hernandez, posibleng na-suffocate o nahirapang huminga ang tatlong biktima na natagpuan sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Nauna nang naiulat ang naganap na sunog sa nasabing lugar ng dakong alas-3:09 ng hapon, at naideklarang fire out  dakong  alas-4:40 ng hapon din.

Lumitaw sa ulat na  nagsimula umano ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay pag-aari ni  Corazon Layug  sa nasabing lugar at nadamay ang may sampu pang kabahayan kung saan aabot sa 30 pamilya ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nagkakanlong sa Remedios Circle sa Malate.

Tinatayang may P1 milyon halaga ang natupok na ari-arian at patuloy ang imbestigasyon ng Arson sa sanhi ng sunog.

vuukle comment

ARSON DIVISION

BUREAU OF FIRE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CORAZON LAYUG

EDGARDO VILLAR

JEORGE BOCOBO ST.

JOERGE BOCOBO ST.

LORDS HERNANDEZ

MANILA FIRE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with