^

Metro

3 ‘tulak’ timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong katao na kinabibilangan ng isang babae ang inaresto ng mga awtoridad dahil umano sa pagtutulak ng ilegal na droga sa isina­gawang  buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector Glen Aculana, hepe ng Marikina City Police Station’ Anti Illegal Drugs Special Operations Task Group ang mga nadakip na suspek na sina Amina Malaatao Abdul, 26;  Ian Lawrence Merdegia Banares, 18; at Asmila Afuan Gimba, 30, pawang residente ng Brgy. Tumana, Marikina City.

Nabatid na dakong alas-10:30 ng umaga kamaka­lawa nang maaresto ang mga suspek sa isang buy bust opera­tion sa Block 45, Mais St., Bgy Tumana, Marikina City.

Narekober ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang may 66 pirasong plastic sachet na naglalaman ng hini­hinalang shabu, isang caliber .45 colt pistol, 6 pirasong cellphone, dalawang tim­bangan, isang.9mm magazine, isang .45 cal magazine, P440 cash, iba’t ibang foreign currency, walong pirasong bala ng .45 caliber pistol, anim na bala ng 9mm, 44 pirasong .22 caliber ammunition.

Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sec 26, Sec. 5, Sec. 11 Art. 11 ng RA 9165 at PD 1866 sa Marikina City Prosecutor’s Office.

AMINA MALAATAO ABDUL

ASMILA AFUAN GIMBA

BARANGAY TUMANA

BGY TUMANA

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

GLEN ACULANA

IAN LAWRENCE MERDEGIA BANARES

MAIS ST.

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with