^

Metro

Trader utas sa holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante makaraang barilin ng isa sa apat na holdaper na nanloob sa pag-aari nitong grocery store sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Nodado Hospital ngunit nalagutan din ng hininga dahil sa tama ng bala sa ulo ang biktimang si Artemio San Luiz, 50, ng Phase 7-B Brgy. Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naghahanda na para magsara ang biktima at ang helper nitong si Efren Batangas nang  dumating ang tatlong salarin habang isa ang nagsilbing look-out.

Sapilitang kinukuha ng isa sa mga suspek ang kaha ng tindahan na may laman umanong P245,000 ngunit nakipag-agawan si San Luiz.  Dito siya pinaputukan ng gunman saka mabilis na tinangay ang kaha.

Nagawang makatakas ng mga salarin lulan ng dalawang motorsiklo na hindi naplakahan.

 

vuukle comment

ARTEMIO SAN LUIZ

B BRGY

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

DITO

EFREN BATANGAS

NAGAWANG

NAISUGOD

NODADO HOSPITAL

SAN LUIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with