^

Metro

Mister itinumba sa loob ng bahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang 56-anyos na driver nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Gat Andres Boni­facio Memorial Medical Center (GABMMC) si Jose Jarabece, ng Batang Bayani 1-A -5,  Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area.

Wala pang natutukoy na responsable sa krimen o motibo sa pamamaslang.

Sa ulat ni SPO1 Charles John Duran, ng Manila Police District-Homicide  Section, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang na­sabing pamamaril sa loob ng bahay ng biktima.

Sa pahayag ng misis ng biktima, na kinilalang si Basilia, 46, bigla na lamang umanong pumasok ang isang armadong lalaki sa kanilang bahay at pinaulanan ng bala ang kaniyang asawa na nakaupo sa loob. Nang bumulagta ay mabilis nang tumakas ang suspek.

Nagpasaklolo naman sa  mga kapitbahay ang ginang kaya naisugod sa pagamutan ang biktima subalit bandang alas- 4:53 ng madaling araw ay nalagutan na ito ng hininga.

vuukle comment

BASECO COMPOUND

BATANG BAYANI

CHARLES JOHN DURAN

GAT ANDRES BONI

GAWAD KALINGA

JOSE JARABECE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

MEMORIAL MEDICAL CENTER

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with