^

Metro

Parak huli sa holdap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang kagawad ng pulisya na nakatalaga sa Northern Police District (NPD) nang maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa panghoholdap sa mag-asawang negosyante  ng halos P1-milyong halaga ng alahas at cash sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nadakip  si PO2 Angel Nabor, 27, miyembro ng NPD at residente ng Mabini St., Sampaloc, Maynila.

Nakatakas naman ang tatlo nitong kasamahan na sakay din ng motor­siklo.

Isinailalim sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office si Nabor sa  mga kasong robbery holdap at illegal possession of firearms and ammunition.

Kaugnay ito sa rekla­mong inihain ng mga biktimang sina Apolinario Ylagan, 42, at Guillerma Ylagan, 42, sakay umano sila ng kanilang Toyota Hilux na kulay gray  nang harangin ng grupo ni Nabor  pagsapit sa panulukan ng Quirino Avenue at Roxas Boulevard  sa Malate.

Tinutukan umano ng suspek na si Nabor ang mag-asawa at inagaw ang bag ng babae na may lamang P200-libong  cash at mga alahas na umaabot sa P700,000 saka humarurot papatakas, ayon kay  PO3 Rico Balines, ng MPD-PS 9.

Hindi umano nawalan ng loob  si Apolinario at hinabol ang mga suspek hanggang makita ang mga nagpapatrulyang pulis na nakasakay din sa motor­siklo at humingi ng tulong saka hinabol ang mga suspek.

Nang maabutan ay binangga ni Apolinario ang sinasakyang motorsiklo ng pulis dahilan para matumba ito at maaresto naman ng mga tauhan ng MPD Traffic Enforcement Unit  at MPD-Station 9.

Nagtangka pa umanong paputukan ni Nabor ang aarestong mga pulis subalit hindi umano naiputok nang tutukan siya.

Tuluyan nang nakatakas ang iba pang suspek na sakay din ng dalawang motorsiklo.

Posibleng masampahan na rin ng kasong administratibo ang nasabing suspek na pulis.

ANGEL NABOR

APOLINARIO

APOLINARIO YLAGAN

GUILLERMA YLAGAN

MABINI ST.

MANILA POLICE DISTRICT

NABOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with