^

Metro

Erap, cabinet secretary hihingi ng tawad sa HK

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni  Manila Mayor Joseph Estrada na hindi siya  mahihiya at mapapagod na humingi ng tawad sa Hong Kong government kung kinakailangan para sa kapakanan ng  maraming Overseas Filipino Worker (OFWs).

Sa  kanyang pag-alis kahapon ng umaga, sinabi ni  Estrada na mas prayoridad niya na maibalik ng HK  ang visa-free access sa mga official at diplomatic passport holder sa bansa.

Bukod pa ito sa pangambang hindi na i-extend pa ang mga working visa ng mga OFW’s doon.

Kahapon ay lumipad na patungong Hong Kong si Estrada  kasama si Manila 3rd District  Councilor Bernardito Ang para personal na humingi ng tawad sa kaanak ng mga biktima ng 2010 bus hostage tragedy.

“I’m trying my best to apologize to them for that unfortunate incident, even it was not during my term as Mayor of Manila, I am apologizing because it happened in Manila,” ani Estrada.

Umaasa ang contingent na makakakuha sila ng appointment­ sa Chief Executive ng Hong Kong.

Bukod sa paghingi ng tawad, sinabi pa ni Erap na may alok din silang kompensasyon para sa mga biktima.

Tiwala si Estrada na maisasakatuparan nila ang  usapin­ dahil maraming tutulong sa kanila bagama’t hindi nito dinitalye kung magkano ang kanyang dalang pera para sa sinasabing compensation.

Bukod kay Estrada, biyaheng HK din sina Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras at Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima. Ngayon  aalis si Purisima pa-HK habang hindi tiyak kung kailan aalis si Almendras. Sinabi ng dating pangulo  na magkikita na lamang sila roon.

Nilinaw nito na hindi siya inutusan ni Pangulong Noynoy Aquino na gawin ito. Aniya, kusang loob niya ito dahil nangyari ang insidente  sa Maynila na kasalukuyan niyang pinaglilingkuran.

Una nang nanindigan si PNoy na hindi siya hihingi ng tawad sa Hong Kong.

BUKOD

CABINET JOSE RENE ALMENDRAS

CHIEF EXECUTIVE

COUNCILOR BERNARDITO ANG

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

HONG KONG

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYOR OF MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with