Duelo sa Biyernes Santo: 1 patay
MANILA, Philippines - Patay ang isang miyembro ng “Batang City Jail†(BCJ) dahil sa tinamong saksak sa dibdib nang makipagduwelo sa karibal nito sa kinaÂkasamang guest relation officer (GRO), na miyembro naman ng “Commando gang†sa Tondo, Maynila, madaling-araw ng Biyernes Santo.
Naisugod pa sa Tondo Medical Center subalit nalaÂgutan ng hininga ang biktimang si Lincoln Valerio, 40, ng 2119 Molave st., Tondo, Manila dahil sa tinamong tama ng saksak sa dibdib.
Bagama’t itinakbo rin sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang suspek na si Alejandro Magno, 34, ng #725 Int. 44 Laong Nasa St., Tondo, hindi na ito inabutan ng mga rumesÂpondeng awtoridad upang arestuhin matapos umanong lumagda ng waiver na hindi na magpapa-confine.
Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:20 ng madaling-araw nang maganap ang paghaharap ng dalawang magkaribal sa Molave St., Tondo.
Nag-ugat ang insidente nang may mabalitaan ang biktima hinggil sa pakikipagrelasyon ng suspek sa kanyang live-in partner na si Mary Grace Raymundo, 27. Kinumpronta muna ng biktima ang babae kung bakit nakikipagrelasyon sa suspek habang siya ay nakakulong sa Manila City Jail.
Sumunod na mga pangyayari ay ang pagsugod na ng biktima sa bahay ng suspek, habang armado ng itak subalit hindi natagpuan.
Nang mabalitaan ng suspek ang ginawa ng biktima, bitbit naman ang balisong na sinugod din ang huli subalit pansamantalang naawat pa sila ng isang Rosemarie Layno. Nang papaalis na umano ang suspek ay aatakehin na muli siya ng biktima kung kaya muling nagpang-abot sila at nagsaksakan.
- Latest