Operasyon ng PNR, suspendido sa Biyernes Santo at Sabado de Gloria
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Philippine National Railways (PNR) na limiÂtado ang biyahe ng kanilang mga commuter trains sa Huwebes Santo at suspendido naman sa Biyernes Santo at Sabado de Gloria.
Sa isang advisory, sinabi ni PNR general manager Engineer Joseph Allan Dilay na layunin nitong bigyang-daan ang pagsasagawa ng maintenance sa kanilang mga tren at iba pang pasilidad.
“We will likewise take this opportunity, while our operations are suspended, to do some additional maintenance work for our trains and tracks,†aniya pa.
Ngayong Holy Week, limiÂtado ang operasyon ng PNR para sa kanilang Metro Manila commuter service na bumibiyahe mula sa Tutuban at Sta. Rosa, Laguna.
Sa Huwebes Santo naman, magkakaroon sila ng mas maiksing operating hours o hanggang alas-7:30 lamang ng gabi.
Samantala, suspendido ang kanilang operasyon sa Good Friday hanggang Black Saturday.
Nabatid na magbabalik naman ang operasyon ng PNR sa Linggo ng Pagkabuhay, maÂliban lamang sa first trip nito na alas-5:00 ng madaling-araw.
Ang normal na operasyon ng PNR ay magpapatuloy sa Lunes, Abril 21.
- Latest