^

Metro

Driver todas sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem na suspect ang isang driver habang isang ginang ang tinamaan ng ligaw na bala, kahapon sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Jimboy Marcelo, 23,  ng Tramo St.,  ng naturang lungsod sanhi ng tinamong ilang tama ng bala ng kalibre 9mm sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inoobserbahan naman sa nabanggit pa ring pa­gamutan si Narcisa Corpuz, na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin ng Station Investigation Division ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-3:30 ng madaling-araw sa tapat ng isang tindahan sa Tramo St., ng naturang siyudad habang bumibili ang biktima nang  biglang dumating ang isang motorsiklo na hindi naplakahan sakay ang dalawang suspek.

Sandaling ipinarada ng mga suspek ang dalang motorsiklo sa hindi ka­layuan, bumaba ang isa rito na armado ng baril at walang sabi-sabing  pinagbabaril si Marcelo.

Tinamaan din ng ligaw na bala ang ginang na naroon ng oras na iyon. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Gil Puyat Avenue.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang krimen, habang patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

CRIS GABUTIN

GIL PUYAT AVENUE

JIMBOY MARCELO

NARCISA CORPUZ

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

STATION INVESTIGATION DIVISION

TRAMO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with