^

Metro

2 patay sa tren ng PNR

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang kapwa patay, kabilang ang isang empleyado ng Department of Energy (DOE)  matapos na masagasaan ng tren sa magkahiwalay na insidente sa Maynila, kamakalawa ng gabi at kahapon ng umaga.

Ang unang insidente ay naganap dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi habang naglalakad sa tabi ng riles sa bahagi ng Pres. Quirino Ave. sa Paco, Maynila ang biktimang si Ricardo Balanque, 47, ng Macopa St., Kahilum 1,  Pandacan, Maynila nang mahagip ng tren at masagasaan.

Samantala, ang ika­la­wang insidente naman ay naganap alas-8:30 ng umaga sa G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila.

Tumatawid umano si  Jordan de Jesus, 21, em­pleyado ng DOE at residente ng  Valdez St., Sampaloc, Maynila sa riles na hindi naman umano dapat tawiran ng tao nang abutan ng magkasalubong na tren.

Sa ulat ni SPO2 Rey Fernandez ng MTEU, nagkagutay-gutay at hiwa-hiwalay ang mga bahagi ng katawan ni De Jesus at hindi na makilala ang hitsura.

 

vuukle comment

DE JESUS

DEPARTMENT OF ENERGY

MACOPA ST.

MAYNILA

QUIRINO AVE

REY FERNANDEZ

RICARDO BALANQUE

TUAZON ST.

VALDEZ ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with