^

Metro

4 sasakyan nagkarambola: 1 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki habang walo pang katao ang sugatan makaraang magka­rambola ang apat na behikulo sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Tala Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang 40-anyos­ na si Rolando Manimtim, ng La Forteza Sub­division, Camarin, ng naturang lungsod. Isinugod rin sa naturang pagamutan ang walo pang biktima na bineberepika pa ang mga pagkakakilanlan.

Sa ulat ng Caloocan Police, binabagtas ni Roel Lagoros ang Camarin Road dakong alas-10 ng gabi nang mawalan ng kontrol matapos na sumayad sa gutter ang unahang gulong ng minamanehong Tamaraw FX.

Nagpaikut-ikot ito hanggang sa sumalpok ang FX sa kasalubong na pampasaherong jeep na mina­maneho ni Lucio De Leon habang nahagip rin ang tricycle na minamaneho ni Jay-Ar Unarce at isa pang nakaparadang Toyota Revo. Agad na nasawi si Manimtim na pasahero ng FX habang sugatan ang iba pang mga sakay ng tatlong sasakyan. 

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CAMARIN ROAD

JAY-AR UNARCE

LA FORTEZA SUB

LUCIO DE LEON

ROEL LAGOROS

ROLANDO MANIMTIM

TALA HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with