Ginang itinumba sa Pasay
MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng hindi nakikilalang suspect ang isang 52-anyos na ginang, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Edna Tambagahan, residente ng R. Tankian St., ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.
Ayon sa report na natanggap ni Senior Supt. Florencio Ortilla, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-8:30 ng umaga sa panulukan ng R. Tankian at E. RodriÂguez Sts. sa siyudad.
Nabatid na habang kausap ng biktima ang nakababatang kapatid na si Yolanda Asuncion, 44, nang biglang dumating ang suspek na sakay ng isang motorsiklo. Agad na bumunot ng baril ang suspek at saka pinaputukan sa likurang bahagi ng ulo ang biktima na duguang bumulagta. Muli itong binaril ng suspect at tiniyak na hindi ito mabubuhay.
Matapos ito ay mabilis na tumakas patungong F. B. Harrison St. ang salarin.
Inaalam pa ng pulisya kung may koneksyon sa droga ang nasabing pagpaslang. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.
- Latest
















