Lalaki dedo sa kumalas na gulong ng trak - report
MANILA, Philippines – Utas ang isang lalaki matapos matamaan ng kumalas na gulong mula sa isang trailer truck sa Maynila ngayong Huwebes.
Nakilala ang biktimang si Johnny Balasa, isang helper sa isang marine services company.
Tinamaan ng kumalas na magkadikit na gulong si Balasa habang nagbibisikleta sa southbound ng Road 10 sa Tondo, Maynila, ayon sa ulat ng DZMM.
Hinala ng mga pulis ay tinakbuhan ng trak driver ang biktima o hindi napansing kumalas ang gulong ng sasakyan sa likod.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang hinahanap na rin ang nakaaksidenteng trak.
- Latest