^

Metro

Biktima ng salvage natagpuan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pinaniniwalaang biktima ng summary exe­cution ang natagpuang lumulu­tang sa Estero de San Miguel sa Quiapo, Maynila, kahapon ng umaga­.

Napupuluputan ang buong ulo at mga kamay ng packaging tape ang hindi pa kilalang biktima, na isang lalaki, nasa 5’7’’ ang taas, katamtaman ang pa­ngangatawan, may tattoo na mukha ni Mama Mary sa dibdib, may tribal tattoo sa kanang braso, nakasuot ng gray na sando at checkered na short pants.

Sa ulat ni SPO2 Jo­nathan­ Bautista ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas- 7:45 ng umaga nang itawag sa pulisya, ang nakitang bangkay sa nasabing estero na sakop ng Fraternal St.

Hindi umano kilala ang biktima sa lugar kaya po­sibleng sa ibang lugar ito pinatay at itinapon sa estero o dayo lamang ito at sa hindi kalayuan lamang ito pinatay.

Dinala ang bangkay sa Nathan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping habang patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakilanlan ng biktima at sa motibo sa krimen.

vuukle comment

BAUTISTA

DINALA

ESTERO

FRATERNAL ST.

MAMA MARY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NATHAN FUNERAL HOMES

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with