Kelot nagtangkang manunog, timbog
MANILA, Philippines - Bagsak sa kulungan ang isang lalaki na nagtangkang sunugin ang sariling bahay at maghuramentado sa kanilang lugar dahil umano sa hinagpis sa pag-iwan sa kanya ng nobya, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Nahaharap ngayon sa attempted arson at alarm and scandal ang suspek na nakilalang si Zaldy De Guzman, 32, ng Daang Bakal, 8th Avenue, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Caloocan Police, dakong alas-8 ng umaga, nasa impluwensya umano ng iligal na droga ang suspek nang hagisan ng kerosene ang kanyang bahay at akmang sisindihan na ito nang maagapan ng mga kaÂanak at mailabas sa bahay.
Ngunit nagpatuloy sa pagwawala ang suspek na kumuha pa ng dalawang patalim at nanghabol ng saksak sa kanilang lugar. Rumesponde naman sa lugar ang mga barangay tanod na nagawang maÂlansi ang suspek at maÂagaw ang mga patalim matapos na magpambuno.
Nabatid na dating tahimik naman umano si De Guzman at nag-umpisa lamang malulong sa iligal na droga at mag-iba ang ugali nang iwan ito ng nobya na nagtrabaho sa ibang bansa dalawang buwan na ang nakalilipas.
- Latest