^

Metro

Holdaper ng mga taxi driver, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ta­uhan ng pulisya ang isang kilabot na holdaper na nambibiktima sa mga taxi driver matapos itong muling mambiktima, kahapon ng mada­ling-araw sa Malabon City.

Nakilala ang naaresto na si Marlon dela Cruz, 34, ng Lot 30, Brgy. Tanza, Navotas City.

Nakumpiska sa po­sesyon nito ang isang kalibre .357 na baril na gamit nito sa panghoholdap.

Sa ulat ng Malabon City Police, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang isakay ng driver na si Alberto Sunga, 48, ng Heroes del 96, Caloocan City ang suspek sa may Tayuman, Maynila at nagpahatid sa may Con­cepcion, Malabon.

Nang sumapit sa kanto­  ng C. Arellano at Paiz Street sa may Concepcion, Malabon ay tinutukan na ng suspek ng baril ang tsuper at nagdeklara ng holdap.  Hindi na pumalag si Sunga at kusang ibinigay na ang kanyang wallet na naglalaman ng P2,000 kita.

Nang makalabas sa taxi, agad na pinaharurot ni Sunga ang sasakyan at tiyempo naman na agad na nakakita ng nagpapatrulyang mga pulis na hiningan nito ng saklolo. 

Mabilis na rumesponde ang mga alagad ng batas at hinabol ang holdaper sanhi sa pagkakadakip dito.

vuukle comment

ALBERTO SUNGA

CALOOCAN CITY

MALABON

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

NANG

NAVOTAS CITY

PAIZ STREET

SUNGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with