^

Metro

Tren ng MRT biglang nagpreno, 10 pasahero sugatan

Lordeth Bonilla at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang nasa sampung  pasahero  ang sugatan matapos na biglaang magpreno ang tatlong train ng Metro Rail Transit (MRT) sa magkakaibang istasyon kahapon ng umaga sa Makati City.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ang pangalan ng mga biktima na isinugod sa Makati Medical Center.

Sa  report na natanggap ni Al Vitangcol, General Manager ng MRT, naganap ang insidente alas-11:35 ng umaga.

Napag-alaman na malapit na sa Ayala Station Southbound ang nasabing train  nang biglang magkaproblema ang braking system nito kaya’t ang train mula sa Ayala Station, Magallanes Station  at Pasay-Taft Station  ay nagkaroon ng sabay-sabay na biglaang paghinto.

Nabatid, na  sugatan ang limang pasahero mula Ayala Station, apat naman mula sa Magallanes Station at sugatan din ang isang pasahero na mula  ng Pasay-Taft Station.

Pawang napilayan at nagtamo ng  bugbog  ang mga biktima dahil sa nagkabanggaan ang mga pasahero sanhi ng  lakas ng impact nang pagkakapreno ng train.

Dahil dito matinding abala naman ang idinulot nito sa mga pasahero mula sa North Avenue hanggang Gil Puyat Avenue, Makati  Station kung saan naging mahaba ang pila.

Samantala, sinabi ni Transportation Secretary Emilio Abaya na masyado na umanong bugbog ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT-3) kung kaya’t madalas itong masira at magkaaberya sa mga nakalipas na araw.

Ayon kay Abaya, ang orihinal na kapasidad lamang ng MRT ay 350,000 pasahero bawat araw, gayunman, napipilitan itong mag-accommodate ng 560,000 com­muters araw-araw.

Nilinaw naman ni Abaya na sa kabila nang maraming pasahero ang sumasakay sa MRT-3 ay hindi ito kumikita mula sa operasyon ng tren at sa halip ay patuloy pang tumataas ang gastos nito.

Nakatakda nang bumili ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ng 48 bagong bagon na nagkakahalaga ng P3.8 bilyon at ang sample train coaches ay inaasahang darating sa bansa sa 2015.

ABAYA

AL VITANGCOL

AYALA STATION

AYALA STATION SOUTHBOUND

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

MAGALLANES STATION

METRO RAIL TRANSIT

PASAY-TAFT STATION

STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with