^

Metro

Stude timbog sa ecstacy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang estudyante ng De La Salle University na nagbebenta ng ecstacy ang nadakip matapos ang isang buy-bust operation sa Malate, Maynila kama­kalawa. 

Sa report  ni PDEA Special Enforcement Service Director Jeoffrey Tacio, ki­nilala ang suspek na si Prahbijot Gill, Indian, 18, residente ng Antipolo St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa report,  pasado alas-2:00 ng hapon noong Lunes, nagsagawa ng buy-bust ang nagsanib na puwersa ng PDEA at MPD Station 9 sa East Tower, One Archers Place sa Taft Avenue, Maynila, malapit lamang sa DLSU.

Nakumpiska sa suspek ang 223 na piraso ng ecstacy na nagkakahalaga ng P334,550.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, ang naturang Indian ay malaking supplier ng illegal droga sa Metro Manila at sa Region 3 at karamihan umano sa mga binebentahan ay mga ma­yayamang estudyante.

Ang suspek ay sasa­ilalim sa inquest proceedings­  sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, isang uri ng non-bailable case.

ANTIPOLO ST.

DE LA SALLE UNIVERSITY

DRUGS ACT

EAST TOWER

MAYNILA

METRO MANILA

ONE ARCHERS PLACE

PRAHBIJOT GILL

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with