^

Metro

Dental clinic nilooban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasimot ang mahahalagang gamit ng isang dentista matapos na looban ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanyang klinika sa Sampaloc, Maynila noong hapon ng Lunes.

Kinilala ni MPD Station 4 commander Supt. Samuel B. Pabonito ang biktima na si Dra. Dulce Otamias, 45, ng G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila.

Sa salaysay ng dentista,  alas-2:26 ng hapon nang pasukin umano ng suspek na inilarawan lamang na may taas na 5’8, katamtaman ang laki ng katawan,  maitim,  may kulay ang buhok, nakasuot ng asul na pantalon at rubber shoes ang klinika.

Hinanap pa ng nasabing suspek sa mga anak ng doktora ang dentista sa naturang klinika, at kasunod na rin nito ang pagdedeklara ng holdap.

Kabilang sa mga nata­ngay na gamit ay gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P20,000, tatlong  laptop (P105,000), Toshiba camera (P60,000), Cannon camera (P40,000), Samsung cellphone (P10,000), Samsung Galaxy cellphone (P30,000), graduation ring (P10,000) at cash na P5,000.

Sa salaysay ng dentista,  nag­tungo lamang siya sa isang parlor at pagdating niya ay nalimas na ng salarin ang kanyang mga gamit.

Nakasakay umano sa isang hindi naplakahang motorsiklo ang suspek na agad tumakas matapos ang insidente.

vuukle comment

DRA

DULCE OTAMIAS

HINANAP

KABILANG

KINILALA

MAYNILA

SAMSUNG GALAXY

SAMUEL B

TUAZON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with