50 sugatan sa karambola ng mga bus
MANILA, Philippines - Sugatan ang may 50 katao nang masangkot sa banggaan ng tatlong bus sa may loading bay sa Philcoa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City kahapon ng umaga.
Nangyari ang banggaan sa pagitan ng Nova Auto Transport, Safeway at Marikina AutoÂline dakong alas-6 ng umaga.
Ayon kay Supt. Ely Pintang, head ng QC Police District Traffic Enforcement Unit, karamihan sa mga naÂsugatang pasahero ay mula sa Nova Auto Transport at dinala sa East Avenue MeÂdical Center.
Sinabi ni Pintang na buÂmangga ang Nova Auto TransÂport na minamaneho ni Rogelio Mario Baja Jr. sa Marikina Auto Line na kasalukuyang nagsasakay ng mga pasahero.
Dahil sa malakas na impact ng pagbangga, tumama naman ang Marikina Auto line sa bus ng Safeway bus na naroon din sa naturang lugar.

Si Baja ay nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries dulot nang naganap na insidente.
- Latest