^

Metro

Police captain nakapatay sa karibal, sumuko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kusang sumama sa mga operatiba ng Manila Police District-Homicide Section ang isang opisyal ng  PNP na suspek sa pamamaril at pagpatay sa kaniyang karibal sa pag-ibig, nang puntahan ito at arestuhin  sa Angono, Police Station, sa Rizal, kahapon ng umaga.

Pinipigil na sa MPD-Ho­micide Section ang suspek na si Senior  Insp. Bricks Reamillo, deputy commander ng Angono Police Station.

Ani S/Insp. Steve Ca­simiro, hepe ng Homicide Section, mistulang hinihintay pa sila ng suspek nang tunguhin ang istasyon at hindi naman umano alam nito na napuruhan niya ang binaril na si Rizalino Ragel, 33 ng  Lerma, Sampaloc, Maynila.

Depensa ni Reamillo, nag-iba ang pakiramdam niya at inakalang may huhuguting armas ang biktima kaya inunahan niya subalit hindi niya akalaing mapupuruhan ito.

Paliwanag pa niya, nagtungo siya sa bahay ng dating nobyang si Loreta Ocener, alyas Attorney 45, hindi umano sila nag-break  at naging madalang lamang ang kanilang pagti-text sa isat-isa. Minsan pa raw ay nararamdaman niya sa mensahe ni Ocener na nagsasabing bawiin na siya sa bagong kalive-in.

Noong Miyerkules , alas- 10:45 ng gabi nang maganap ang insidente, kung saan sumugod umano ang nasabing pulis sa bahay na tinutuluyan ng biktima at dating nobya.

Kinaladkad umano si Ocener sa paghimok na muli silang magsama subalit nagpumiglas ang babae at binalikan ang biktima para isugod sa Mary Chiles Hospital kung saan binawian rin ng buhay dakong ala 1 ng hapon, kamakalawa.

Ipaghaharap ng kasong murder ang suspek sa Manila City Prosecutor.

vuukle comment

ANGONO POLICE STATION

ANI S

BRICKS REAMILLO

HOMICIDE SECTION

LORETA OCENER

MANILA CITY PROSECUTOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY CHILES HOSPITAL

NOONG MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with