Karibal sa pag-ibig, dinedo ng pulis
MANILA, Philippines - Isang manhunt operation ang inilunsad ng Manila Police District laban sa isang opisyal ng Angono Police makaraang barilin at mapatay ang live-in partner ng kaniyang dating nobya, nang sugurin ang bahay ng mga ito sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi si Rizalino Ragel, ng Lerma, Sampaloc, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib. Nabatid na dakong alas-10:45 ng gabi kamaÂkalawa nang sumugod umano ang suspek na si Senior Inspector Bricks Reamillo sa tinutuluyang bahay ng biktima at ni Loreta Ocener, alyas “Attorneyâ€, 45, dating nobya ng suspect.
Narinig na lamang umano ni Ocener ang boses ni Reamillo na sumisigaw sa kanilang pintuan at pinabubuksan ito. Nang hindi niya umano buksan ay puwersahan itong binuksan ng pulis at hinarap ang bagong karelasyon ni Ocener at saka binaril.
Matapos barilin ang biktima ay kinaladkad umano si Ocener palabas ng bahay at pilit na isinasama subalit nakakuha ng tiyempo si Ocener na itulak ang nasabing pulis at tumakas. Binalikan niya ang biktimang duguan at isinugod sa ospital. Umamin si Ocener sa mga awtoridad na marami na siyang natatanggap na pagbabanta mula sa suspek sa pamamagitan ng text messages at nais umanong bumalik na siya sa piling nito. Dahil sa sobrang selos ay hindi na umano marahil napigilan ng suspek na sadyain sa bahay ang daÂlawa sa tangkang pagbawi kay Ocener, na ayaw na umanong makipagbalikan.
- Latest