^

Metro

Bebot itinumba sa loob ng bahay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek sa loob mismo ng inuupahan nitong bahay sa lungsod Quezon, kahapon.

Sa ulat ng pulisya, ang biktima  ay inilarawan  sa pagitan ng edad 30-35, may kaputian ang kutis, may taas na 4’11’’.

Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo, bago tuluyang iwan ng mga suspek na sakay sa magkahiwalay na sasakyan na isang kotse at motorsiklo.

Ayon kay PO2 Louie Serbito, nangyari ang insidente sa ikalawang pa­lapag ng inuupahang bahay­ ng biktima sa  La­yugan compound, Ma­unlad St., Brgy. Pinyahan, sa lungsod, alas-4 ng ma­daling-araw.

Ayon sa mga residente, nakarinig na lamang umano sila ng putok ng baril sa isa sa mga kuwarto at nang sumilip sila sa bintana ay nakita nila ang dalawang lalaki na nagmamadaling umalis sakay ng na­sabing mga sasakyan.

Agad na humingi ng tulong ang mga kapit­bahay sa awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng SOCO narekober sa lugar­ ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 malapit sa katawan ng biktima.

Patuloy ang pagsisi­yasat ng pulisya sa na­sabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

LOUIE SERBITO

PATAY

PATULOY

PINYAHAN

QUEZON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with