1 pang biktima ng salvage natagpuan
MANILA, Philippines - Isa na namang bangkay ng lalaki na biktima ng summary execution ang natagpuan sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.
Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng Quezon City’s Criminal Investigation and Detection Unit , tulad ng iba pang bangkay na nakikita sa lungsod, ang huling biktima ay may bakas din ng pananakal sa leeg na indikasyon na binigti.
Isinalarawan ang biktima sa pagitan ng edad na 45-50, may taas na 5’5’’, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at checkerd na short pants, may tattoo na “Dela Cruz†sa likuran at trival sa magkabila nitong kamay.
Ang biktima ay natagpuan ng ilang residente na nakasilid sa isang kulay pula at puting sako sa may kahabaan ng White St., Muñoz, Brgy. Tandang Sora, alas- 5 ng umaga.
Diumano, naglalakad sa lugar ang ilang residente nang mapuna ang nasabing sako. Nang kanilang tingnan ay nagulat na lang ang mga ito nang makita na ang laman ay isang tao.
Sa pagsisiyasat, may nakapulupot pang nylon cord sa leeg ng biktima, habang ang mga kamay nito ay nakatali ng packaging tape sa likod, gayundin ang kanyang ulo.
Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing inÂsidente.
- Latest
- Trending