^

Metro

Lider ng ‘Salvatierra carnap gang’, timbog

Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Timbog ang itinuturong lider ng isang malaking grupo ng carnapping sa isang pagsalakay ng pulisya sa isa sa mga kuta ng sindikato sa isang executive village sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nadakip na si Joem  Salvatierra, ng Ma­lolos, Bulacan, itinuturong lider ng ‘Salvatierra carnap gang’ na may operasyon sa buong Metro Manila at mga karatig lalawigan ng Bulacan at Pampanga.

Sa ulat, isang impormasyon ang nakarating sa pulisya sa pagkakakita kay Salvatierra sa bahay ng biyenan nito sa may Wyoming St. sa Vista Verde Executive Subdivision sa Brgy. Llano, ng naturang lungsod.

Armado ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Mary Ann Corpus-Manalac ng Malolos, Bulacan Regional Trial Court branch 82, agad na sinalakay ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip kay Salvatierra dakong alas-6 kamakalawa ng gabi.

Narekober ng pulisya sa naturang lugar ang isang hini­hinalang carnap na Nissan Frontier (ZTJ-788) pick-up van na pag-aari ng kompanyang Three Step Corporation.

Nabatid na ang grupo rin ni Salvatierra ang nasa likod sa pagtangay sa sasakyan ni Senador Koko Pimentel noong 2012.  Ayon pa sa pulisya, sangkot rin ang sindikato sa mga insidente ng pagnanakaw at illegal possession of firearms.

ANTI-CARNAPPING UNIT

BULACAN

BULACAN REGIONAL TRIAL COURT

CALOOCAN CITY

JUDGE MARY ANN CORPUS-MANALAC

METRO MANILA

NISSAN FRONTIER

SALVATIERRA

SENADOR KOKO PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with