^

Metro

Ginang kalaboso sa pekeng pera

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Himas rehas ngayon ang isang 29-anyos na ginang makaraang makuhanan ng tatlong piraso ng pekeng pera na kanyang ipinambili sa loob ng isang mall sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO3 Cyrus Ivan David ng Quezon City Police Station 12, nakilala ang suspek na si Gina Duya, residente sa Block 6, Lot 14, Malaria, Caloocan City.

Sabi ni David, nakumpiska sa suspek ang isang piraso ng pekeng P1,000, dalawang piraso ng P500; at dalawang piraso ng P200 pekeng bill.

Nangyari ang insidente sa may La Parilla, Level 1, ng isang mall sa  EDSA corner Ortigas Avenue, Brgy. Ugong Norte, ganap na ala-1:55 ng hapon.

Sinasabing pumasok ang suspek sa nasabing establi­simento na nagkunwaring kostumer at bumili at ibinayad  ang pekeng P1,000.

Gayunman, isa sa kawani ng establisimento ang nakapuna sa ibinayad na pera ng suspek na peke dahilan para humingi ang una ng tulong sa awtoridad. Agad namang inimbitahan ng pulisya ang suspek at dinala sa na­sabing himpilan ng pulisya kung saan nang kapkapan ay nakuha pa mula sa bulsa nito ang ilang piraso ng pekeng pera. Inihahanda na ang kaso laban dito.

vuukle comment

AYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CYRUS IVAN DAVID

GINA DUYA

LA PARILLA

ORTIGAS AVENUE

QUEZON CITY POLICE STATION

UGONG NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with