^

Metro

Binata sinabuyan ng asido sa mukha

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng masira ang mukha ng isang binata makaraang sabuyan ng asido ng kanyang dating nobya sa hindi pa malinaw na dahilan, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Inoobserbahan ngayon sa Chinese General Hospital si Raymond Rodriguez, 26, ng Bacoor, Cavite, habang na­dakip naman ang dati nitong nobya na si Beejay Martinez, 31, residente ng Miranda Compound, MacArthur Highway, Ma­linta, ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang kasamahan ng suspek na nakilala sa alyas na Irene.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang dalawin ni Rodriguez si Martinez sa pinagtatra­buhan nito sa Maguiat Clinic sa Feliza Building sa Santiago Street, Malinta.

Pinaghintay muna ni Martinez ang dating nobyo at nang lumabas ay kasama na ang kaibigan na si Irene.  Dito umano biglang sina­buyan ng asido ang mukha ng biktima saka pinagpapalo ito ng dalawang suspek gamit ang isang tubo.

Bagama’t sugatan, nagawang makatakbo palabas ng establisimento ng biktima at makahingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Dito na nagpadala ang biktima sa CGH habang agad na nadakip si Martinez ngunit nakatakas ang ka­samahang si Irene.

Blangko naman ang pu­lisya sa motibo ng pananakit ni Martinez dahil sa nana­natiling tikom ang bibig ng magkabilang-panig.  Sinabi ni Rodriguez na ang abogado na umano niya ang magbibigay ng pahayag sa pulisya para sa pagsa­sampa ng kaukulang kaso.

vuukle comment

BEEJAY MARTINEZ

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DITO

FELIZA BUILDING

MAGUIAT CLINIC

MIRANDA COMPOUND

RAYMOND RODRIGUEZ

SANTIAGO STREET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with