^

Metro

Biktima ng salvage, natagpuan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa isang barangay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Sa ulat ni SPO1 Cris Zaldarriaga, ang biktima ay nakilala sa pangalang Jake Macapanas, 21, at residente sa  Florentino St., Sto. Domingo.

Ayon kay Zaldarriaga, ang biktima ay nadiskubre sa pa­nulukan ng Sto. Domingo St., kanto ng Samat St., Brgy. Sto. Domingo, ala-1 ng hapon.

May tatlong butas sa katawan ang biktima na indikasyon na mula sa saksak ng icepick at bakas ng pagkakasakal sa leeg.

Nadiskubre ang na­sabing bangkay ng biktima ng isang Manuel Rivamonte, 45, construction­ worker habang ito ay naglalakad para bumili ng pagkain.

Nakadapa umano ang biktima sa madamong lugar nang makita ni Rivamonte kung saan sa pag-aakalang lasing lang ito na nakatulog ay nilapitan pa niya, pero bangkay na pala ito.

Agad niya itong ipinag­bigay-alam sa otoridad, para sa imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

CRIS ZALDARRIAGA

DOMINGO

DOMINGO ST.

FLORENTINO ST.

JAKE MACAPANAS

MANUEL RIVAMONTE

SAMAT ST.

STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with