^

Metro

Lalaking amok, dedo sa parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang lalaki na nakipagbarilan sa isang pulis gamit ang isang pen gun, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nagtamo ng hindi pa mabatid na bilang ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Daniel Bautista, 24, ng Ilang-ilang St., Tala Malaria, ng naturang lungsod.

Sugatan naman ang barangay tanod na si Wilson Tablate nang tamaan ng bala ng pen gun ng suspect sa katawan.

Sa ulat ng Caloocan Police, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang humingi ng saklolo sa mga barangay at pulis ang mga residente dahil sa pagwawala sa kanilang lugar ni Bautista na inaalam kung nasa impluwensya umano ng alak o ng iligal na droga.

Nang respondehan ng mga tanod at pulis kabilang si PO2 Michael Pineda, nagtatakbo ito at sumisigaw na hindi siya magpapahuli ng buhay.

Pumasok ito sa bahay ng isang Celeste Rubio at sinundan naman ng mga awtoridad.

Dito na pinaputukan ng suspek ang mga pulis gamit ang pen gun at tinamaan ang tanod na si Tablate.

Gumanti naman ng putok ang pulis na si Pineda sanhi para mapu­ruhan si Bautista.

Nagawa pang  isugod ng mga awtoridad ang suspek sa Tala General Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

 Wala naman intensyon na magsampa pa ng reklamo ang mga magulang ng nasawi.

Sinabi ng mga ito na ma­tagal nang problema ang kanilang anak dahil sa madalas na pagwawala sa loob ng kanilang bahay at minsan na ring nasaktan ang kanyang ama.

vuukle comment

BAUTISTA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

CELESTE RUBIO

DANIEL BAUTISTA

MICHAEL PINEDA

TALA GENERAL HOSPITAL

TALA MALARIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with