LTFRB nanindigan sa suspensyon ng 2 bus company
MANILA, Philippines – Ibinasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ngayong Biyernes ang apela ng dalawang kompanya ng bus na tanggalin ang ipinatawa na suspensyon kasunod ng aksidente nitong nakaraang taon.
Nanatili ang parusa ng LTFRB na kanselahin ang prangkisa ng Elena Bus Liner at MGP Trans dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran ng Board.
Nasangkot sa aksidente ang dalawang kompanya ng bus noong Nobyembre 14, 2013 kung saan pitong katao ang nasawi, habang higit 30 pasahero ang sugatan.
Kaugnay na balita: 5 patay matapos araruhin ng bus sa EDSA
Bumanga ang Elena Bus (TXN-191) sa EDSA-Magallanes bus stop sa southbound lane bago nito tinamaan ang MGP bus (NVX-360).
Dahil sa insidente ay napag-alamanang walang permit upang bumyahe ang MGP bus.
Hindi muna makabibiyahe ang 21 bus ng Elena Liner na pagmamay-ari ni Angelito Chan, habang 18 units naman ni Margarito Penalosa ng MGP trans ang hindi rin makalalabas ng garahe.
Naghain ng motion for partial lifting of suspension ang dalawang kompanya ng bus upang makabiyaheng muli.
"While we recognized the financial effect on the part of the employees of the two bus companies, the rule of law must prevail above all; the safety of the riding public is the paramount and primordial consideration of the Board," wiak ni LTFRB chairman Winston Ginez.
- Latest