Parañaque City magpapatupad na rin ng truck ban
MANILA, Philippines - Para higit na maibsan ang lumalalang trapik, gumaya na rin ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa Maynila dahil ipatutupad na rin sa lungsod ang truck ban sa ilang kalye nito.
Nabatid, na kabilang sa magiging sakop ng truck ban ay ang mga kalye ng Doña Soledad Avenue, France, Magdalena at Japan na nasa Brgy. San Antonio patungong Brgy. Don Bosco.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nabatid na mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ang itinalagang window hours sa naturang truck ban.
Sinabi ng naturang alkalde na masyadong masikip at makitid ang mga nabanggit na kalye kaya kailangang magpatupad ng truck ban dito.
Ayon pa kay Olivarez, dati na aniya itong ordinansa, subalit ngayon lang nila naipatupad.
- Latest