^

Metro

Hindi matiis ang sakit, driver nagbigti

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang madiskubreng nakabigti ang isang 52-anyos na driver sa loob ng kaniyang tahanan sa  Sta. Mesa, Maynila,  kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Danilo Ortiz, residente ng Guadalcanal St., Sta.  Mesa.

Sa ulat ni SPO2 Milbert  Balinggan ng MPD-Homicide Section,  dakong alas- 5:12 ng umaga nang matagpuang wala ng buhay  ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Huli itong nakitang buhay dakong alas-4:00 ng hapon nang dumating ito galing sa pagmamaneho.

May suicide note na iniwan ang nasawi sa kanyang kapatid na nagsasabing hindi na niya makayanan ang sakit na nararamdaman sa katawan kaya humihingi ng tawad sa ginawang pagpapakamatay.

Tumanggi naman ang mga kapatid ng biktima na sina Rene at Grace Ortiz na paimbestigahan pa ang pagkamatay ng kanilang utol dahil naniniwala sila na walang naganap na foul play.

vuukle comment

BALINGGAN

DANILO ORTIZ

GRACE ORTIZ

GUADALCANAL ST.

HOMICIDE SECTION

HULI

KINILALA

MAYNILA

MILBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with