Mas masikip na trapiko sa EDSA sa weekend - MMDA
MANILA, Philippines – Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority ngayong Huwebes sa inaasahang lalong pagsisikip ng daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa tatlong road reblocking at repair ng Department of Public Works and Highways.
Magsisimula ang pagsasaayos ng kalsada mula alas-10 ng gabi ng Biyernes hanggang ala-5 (Pebrero 28) ng umaga ng Lunes (Marso 3).
Nakatakdang gawin ang mga sumusunod na kalsada:
- First lane ng southbound lane ng EDSA sa pagitan ng kalye ng Magsaysay at New York sa Quezon City.
- Outer lane ng southbound lane ng EDSA sa pagitan ng kalye ng Pantaleon at Mayon sa Mandaluyong City.
- First lane ng northbound lane ng EDSA sa pagitan ng kalye ng Don Ang at Evangelista pati na rin sa pagitan ng kalye ng Arellano at Concepcion sa Caloocan City.
Sinabi ng MMDA na dumaan sa mga alternatibong daan upang maiwasang maipit sa masikip na trapiko.
Inaasahang matatapos ang mga pag-aayos sa Lunes, dagdag ng MMDA.
- Latest