^

Metro

3-anyos paslit na nahulog sa escalator ng mall, pumanaw na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang binawian ng buhay ang 3-taong gulang na batang lalaki na naka­ladkad ang kamay ng rubber hand rail ng escalator at nahulog mula sa ikalawang palapag ng mall, sa Binondo, Maynila.

Dakong alas-7:40 ng umaga kahapon nang ideklarang patay sa Justice Jose Abad Santos General  Hospital (JJAGH) ang bik­timang si Charles Ivan Pascual, ng Santiago St., Canumay Valenzuela City dahil sa tinamong crack sa ulo  at bali ng braso.

Nabatid na isinugod sa nasabing ospital ang biktima nang mahulog nitong nakaraang Martes ng  gabi, mula sa ikalawang palapag ng escalator sa 999 mall sa Felipe st., Binondo, Maynila. Kasama umano ng biktima ang ina na si Melody, 38 at kapatid na si Jerrane, 9-anyos, nang matuon ang atensiyon ng ina sa pares ng sapatos at hindi namalayan na nagtungo ang biktima sa escalator kung saan ito nahila ng rubber hand rail at nahulog.

Bagamat sumaklolo naman ang mga guwardiya at administrator ng mall na si Mike de Leon, nabatid na nagharap din ng reklamo ang magulang ng bata laban sa mall.

vuukle comment

BAGAMAT

BINONDO

CANUMAY VALENZUELA CITY

CHARLES IVAN PASCUAL

DAKONG

FELIPE

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL

MAYNILA

SANTIAGO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with