Mister utas sa misis
MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki nang saksakin ito ng kanyang misis kamakalawa sa Caloocan City. Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez HosÂpital sanhi ng saksak sa dibdib ang biktimang si Benigno De Pedro, 30, nakatira sa Phase 1 Bagong Silang ng naturang lungsod.
Base sa pahayag sa Caloocan City Police ng anak ng mag-asawa na si Nicole, 10, alas-4:15 ng hapon ay nagtalo ang kanyang mga magulang sa loob ng kanilang bahay. Hindi binanggit ang pangalan ng suspect na ginang.
Sa kainitan ng away ay dito niya nakita na kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima.
Matapos ang insidente ay mabilis na umalis ng bahay ang suspek habang dinala naman sa naturang ospital ang biktima pero hindi na pinalad na mabuhay.
- Latest