^

Metro

Babaeng ‘tulak’ timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isa umanong babaeng drug pusher ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Pasay City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang suspect na si Patricia Buendia, 46,  ng No. 1696 F. Muñoz Street, Pasay City.

Ayon kay Cacdac, si Buendia ay nadakip ng mga operatiba ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Jacquelyn De Guzman, sa kanya mismong tahanan, ganap na alas 7:30 ng gabi.

Diumano, bago ito, nakipagkasundo ang ahente ng PDEA kay Buendia para sa pagbili ng isang sachet ng shabu kung saan nang magpalitan ang mga ito ng items ay saka siya inaresto.

Narekober sa suspek ang may 40.5625 gramo, shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P100,000.

Si Buendia ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sa Pasay City Prosecutors’ Office. 

Kasalukuyang nakapiit si Buendia sa main office ng PDEA sa lungsod Quezon.

 

BUENDIA

CACDAC

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

DIRECTOR JACQUELYN DE GUZMAN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

PASAY CITY

PASAY CITY PROSECUTORS

PATRICIA BUENDIA

REGIONAL OFFICE-NATIONAL CAPITAL REGION

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with