^

Metro

Chinese huli sa droga, panunuhol

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Chinese na­tional ang inaresto ma­tapos itong mahulihan ng droga at suhulan umano  ng halagang P1 milyon ang mga pulis na umaaresto sa kanya kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Hao Cheng, 47, pansamantalang nanunuluyan sa Room 605 Maxim Resort World ng naturang lungsod.

Ayon kay P/Insp. Cesar Teneros, hepe ng Intelligence Section/Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay City Police  nasakote nila ang suspek alas-8:30 ng gabi habang nagsasagawa ng ins­peksiyon ang kanyang mga tauhan  sa Jalandoni St., CCP Complex nang namataan nila ang suspek na kausap ang isang lalaki sa pag-aakalang hinoholdap nito ang naturang dayuhan.

Nilapitan ng mga pulis ang dalawa, subalit dito nila na­aktuhang  sinusuri ng suspek ang isang plastic na naglalaman ng shabu at kaagad namang tumakbo at sumakay sa isang motorsiklo ang kausap nitong lalaki.

Sinampahan ang suspek  ng kasong paglabag sa Section 11 Art. 2 ng Republic Act 9165 dahil sa nakuhang droga at bri­bery o panunuhol ng halagang  P1 milyon sa mga pulis.

CESAR TENEROS

DRUG ENFORCEMENT UNIT

HAO CHENG

INTELLIGENCE SECTION

ISANG CHINESE

JALANDONI ST.

MAXIM RESORT WORLD

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with