^

Metro

P4.4-M lotto jackpot nakopo ng taga-Bukidnon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangutang lamang ng pamasahe ang 44-anyos na mister  mula sa Bukidnon upang kubrahin ang napanalunang kalahati ng P8 milyong jackpot prize sa 6/42 lotto na binola noong Pebrero 8 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Nabatid  kay PCSO Ge­neral Manager Ferdinand Rojas II, mistulang drama sa pelikula ang buhay ng la­laking nagwagi dahil bukod sa nilayasan ng asawa makaraang masibak sa trabaho sa pribadong farmland, iniwan pa sa kanya ng misis ang kanilang mga anak.

Sa kabila ng pagtatrabaho bilang extra sa mga construction site, nagawa pa ring tumaya sa lotto ng mister hanggang sa masapol niya ang kombinasyong 06-09-11-16-19-22 mula sa itinayang P40 kung saan ibinatay niya ang mga numero sa kapanganakan ng kanyang mga anak at sa kanyang kaarawan.

Plano ng nagwaging mister na bumili ng sariling bahay at lupa sa kanilang lalawigan at ang bahagi ng P4,488,270 na kalahati ng kabuuang premyong P8,976,540 ay gawing puhunan para sa maliit na negosyo.

Nauna ng kinubra ng waitress mula sa Quezon City ang kalahati ng kabu­uang premyo matapos ta­maan din ang tamang kombinasyon.

BUKIDNON

MANAGER FERDINAND ROJAS

NABATID

NANGUTANG

NAUNA

PASAY CITY

PEBRERO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with