2 beauty queen, 2 kasamahan hinoldap
MANILA, Philippines - Hindi nakaligtas mula sa mga holdaper na riding in tandem ang dalawang beauty queen at dalawa pa nilang kasamahan matapos na biktimahin ng mga ito sa harapan ng isang Chinese restaurant sa San Juan City nitong Sabado ng gabi.
Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi matapos na kumain sa hindi na tinukoy na restaurant sa N. Domingo St., ang mga biktimang sina reigning Miss Philippines Earth na si Angelee Delos Reyes, ang kanyang boyfriend na si Yussef Esteves, Miss Philippines Fire Alma Cabasal at isa pa, nang bigla na lang silang lapitan ng mga suspek na armado ng mga baril.
Binalak pa sanang manlaban ni Esteves pero nagdaÂlawang-isip ito at nangamba sa seguridad nilang magkakaibigan dahil armado ng baril ang suspek, kaya’t hindi na nito itinuloy ang plano.
Natangay ng mga suspek mula sa mga biktima ang bag na may dalawang cellÂphone, pera at susi sa condo ng mga biktima.
Sa palagay ng magkakaibigan ay maaaring miÂnanÂmanan na sila ng mga suspek bago pa ang panghoholdap sa kanila dahil una na nilang napansin na dumaan na sa kanilang harapan ang isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka.
Maya-maya ay bumalik ang mga suspek at saka isiÂnagawa ang panghoholdap.
Nagsagawa naman ng checkpoint ang mga pulis ngunit bigo silang maÂaresto ang mga suspek.
- Latest