^

Metro

Guinness record ng Singapore sa charity walk na-break ng INC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukod sa naging mapayapa ang ginanap na ‘worldwide walk’ ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na nagsimula sa bahagi ng P. Ocampo street sa CCP complex  at nagtapos o nag-‘finish line’ naman sa Luneta sa Roxas Boulevard, sa Maynila kahapon, tagumpay din na nakuha ang world record na biggest charity walk dahil naungusan na nito ang record ng Singapore.

Nabatid na na-break na ang record ng biggest charity walk na nakuha ng Singapore noong May 2000 na umabot lamang sa mahigit 77,000 na nakilahok kumpara sa naitala kahapon sa idinaos na walk for a cause para sa Yolanda victims dahil mahigit sa 175,000 ang nakilahok kahapon, batay sa monitoring team ng Sycip Gorres and Velayo Co. na isinumite sa adjudicator ng Guinness World Record na si Kirstie Bennet.

Tumayong deputy overall commander ng event si P/Supt. Marcelino Pedrozo, hepe ng District Public Safety Batallion (DPSB) sa kaganapan na sinimulan ang walkathon ng alas-9:00 ng umaga at nagtapos ng alas-3:00 ng hapon.

Pawang nakasuot ng puting t-shirt at puting wristbands ang mga lumahok.

BUKOD

CRISTO

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATALLION

GUINNESS WORLD RECORD

KIRSTIE BENNET

LUNETA

MARCELINO PEDROZO

MAYNILA

ROXAS BOULEVARD

SYCIP GORRES AND VELAYO CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with