^

Metro

Ex-Convict itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 24-anyos na dating bilanggo sa kasong robbery matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa panulukan ng Zobel at Radium Street sa San Andres, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si John Julius Pamintuan ng  Radium Street sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun ng Manila Police District-Homicide Section, bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente sa lugar at nang usisain ay nakita ang biktima na duguan.

Isang Emilia Gutierrez ang nagmagandang-loob na isugod sa pagamutan ang biktima subalit namatay din ito dakong alas-4:52 ng umaga bunga ng matinding tama sa sentido.

Sa pahayag ng ama na si Rodrigo Pamintuan ng 16 Dapo Street, Zamora, Pandacan, Maynila, nakulong sa Manila City Jail sa kasong robbery ang biktima kung saan hindi na umuuwi ng kanilang bahay dahil nakikitira na lamang sa mga kaibigan.

Wala namang impormasyong nakuha ang pulisya mula sa mga residente para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunman.

 

vuukle comment

ANA HOSPITAL

DAPO STREET

ISANG EMILIA GUTIERREZ

JOHN JULIUS PAMINTUAN

MANILA CITY JAIL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MICHAEL MARAGGUN

RADIUM STREET

RODRIGO PAMINTUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with